Deglobalisasyon sa pamamagitan ng pandemiya, makakapinsala lamang sa komong kapakanan ng sariling bansa at iba’t ibang bansa—Xi Jinping

2020-11-17 21:14:53  CMG
Share with:

Binigyang-diin Martes ng gabi, Nobyembre 17, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pagkalat ng umano’y deglobalisasyon, economic decoupling, at parallel system, gamit ang pandemiya ng COVID-19, ay makakapinsala lamang sa komong kapakanan ng sariling bansa at iba pang mga bansa.
 

Ani Xi, sa kasalukuyang kalagayan, dapat buong tatag na buuin ang bukas na kabuhayang pandaigdig, at tutulan ang pagsasagawa ng proteksyonismo, sa ngalan ng pagmamalabis ng pambansang seguridad.
 

Winika ito ni Xi sa kanyang kanyang talumpati sa Ika-12 virtual summit ng BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa) na ginanap nang araw ring iyon.
 

Salin: Vera

Please select the login method