Sinabi nitong Lunes, Nobyembre 16, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na laging naninindigan ang panig Tsino na makikinabang sa kooperasyon ang Tsina at Amerika, at kapuwa mapipinsala sa paglalabanan. Ang pagpili sa kooperasyon ay tamang paraan para sa kapuwa panig.
Ayon sa ulat, muling inilabas ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang sangsyon laban sa Tsina.
Kaugnay nito, tinukoy ni Zhao na ang pagpapasulong sa malusog at matatag ng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay hindi lamang angkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi ninanais din ng komunidad ng daigdig.
Hinimok ni Zhao ang panig Amerikano na pasulungin, kasama ng panig Tsino, ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano. Samantala, patuloy at buong tatag na pangangalagaan ng panig Tsino ang sariling seguridad ng soberanya at kapakanang pangkaunlaran.
Salin: Vera