CMG Komentaryo: Mahigit 100 bansa, magkakasunod na binatikos ang Amerika; Amerika, muling napahiya bilang “tagapagtanggol ng karapatang pantao”

2020-11-12 15:15:01  CMG
Share with:

Sa pulong ng Universal Periodic Review (UPR) Working Group ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), magkakasunod na binatikos ng mahigit 110 bansa ang Amerika kaugnay ng kalagayan ng karapatang-pantao nito.
 

Kabilang sa mga bumatikos ay mga kilalang kaalyado ng Ameirka.
 

Dagadag pa rito, nagharap din sila ng mga mungkahi upang mapabuti ang kalagayang ng karapatang-pantao ng nasabing bansa.
 

Nang araw ring iyon, lampas na sa 10 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika, samantalang halos 240,000 naman ang mga pumanaw.
 

Ipinakikita nitong napakasama ang kalagayan ng karapatang pantao sa Amerika sa kabila ng isinusulong nitong imahe bilang “tagapagtanggol ng karapatang pantao.”
 

Pinakamalakas sa buong mundo ang puwersang pangkabuhayan, pansiyensiya at panteknokihiya, at pinakamasagana rin ang yamang medikal ng Amerika, pero nangunguna sa daigdig ang bilang ng mga pumanaw at kumpirmadong kaso COVID-19 sa bansa.
 

Dahil dito, grabeng niyurakan ang karapatan sa buhay at karapatan sa kaunlaran--mga pinakapundamental na karapatang pantao ng mga mamamayang Amerikano.
 

Ito ang maliwanag na resulta ng pagbibigay-priyoridad ng mga pulitikong Amerikano sa kanilang pansariling kapakanang pulitikal kaysa sa buhay ng mga mamamayan.
 

Sila ay bulag sa mga siyentipikong babala, at nagpabaya sa pagharap sa pandemiya.
 

Bukod pa riyan, paulit-ulit din nilang isinapulitka ang pandemiya, at madalas na ibinaling ang pananagutan sa ibang bansa; tinanggihan nila ang mungkahi ng mga dalubhasa, at paulit-ulit na pinaluwag ang hakbangin sa pagpigil sa pandemiya, alang-alang sa kapakanang ekonomiko…
 

Tulad ng komento ng pahayagang Washington Post, ang kawalan ng aksyon at pananagutan ng mga pulitikong Amerikano ay isang massacre na inaprobahan ng estado.
 

Kabilang dito, ang mga matanda at etnikong lahi ay pinakamalaking biktima ng nasabing trahedya.
 

Marami ang mga problema sa karapatang pantao sa Amerika, subalit madalas na lumilikha ng mga makataong trahedya sa maraming lugar sa daigdig ang mga pulitikong Amerikano.
 

Halimbawa, ang sangsyon laban sa Iran ay nagpapasama sa pamumuhay ng mga mamamayang Iranyo, sa gitna ng pandemiya ng COVID-19.
 

Alam na ng buong daigdig na lantarang nilalapastangan at niyuyurakan ng  mga pulitikong Amerikano ang karapatang pantao, sa halip na pinahahalagahan at ipinagtatanggol ito.
 

Isang malaking kasinungalingan ang ipinakakalat nilang, sila di-umano ay “tagapagtanggol ng karapatang pantao.”
 

Salin: Vera

Please select the login method