Tsina, ipapatupad ang pangako nito sa carbon neutrality

2020-11-17 21:33:15  CMG
Share with:

Tinukoy Martes, Nobyembre 17, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na hindi hihinto ang pag-init ng klima, dahil sa pandemiya ng COVID-19, at hindi dapat paluwagin kailanman ang pagharap sa pagbabago ng klima.
 

Nakahanda aniya ang Tsina na isabalikat ang responsibilidad na angkop sa lebel ng sariling pag-unlad, at patuloy na magpupunyagi para sa pagharap sa pagbabago ng klima.
 

Diin niya, pag-iibayuhin ng kanyang bansa ang sariling ambag, upang maabot ang peak value ng pagbuga ng carbon dioxide bago ang taong 2030, at maisakatuparan ang carbon neutrality bago mag-2060.
 

Winika ito ni Xi sa kanyang talumpati sa Ika-12 virtual summit ng BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa).
 

Salin: Vera

Please select the login method