Sa kanyang talumpati sa CEO Dialogue ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa pamamagitan ng video link Huwebes, Nobyembre 19, 2020, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na pagpasok ng kasalukuyang taon, sa harap ng pagkalat ng unilateralismo at proteksyonismo, hindi humihinto ang mga gawain ng Tsina sa pagbubukas sa labas.
Ani Xi, inilunsad ng Tsina ang isang serye ng mga patakaran at hakbangin hinggil sa pagpapalawak ng pagbubukas, na kinabibilangan ng komprehensibong pagpapatupad ng batas sa pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal, ibayo pang pagbabawas ng negatibong listahan ng foreign investment access, matatag na pagpapasulong sa financial market access at iba pa.
Salin: Vera