Inanyayahang bumigkas ng video speeach nitong Biyernes, Nobyembre 20, 2020 sa Global Think Tank Summit si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina. Ang speech ay pinamagatang “Pagpapalakas ng Pagkakaisa at Pagtutulungan, Magkakasamang Paglikha ng Magandang Kinabukasan.”
Sinabi ni Wang na sa paulit-ulit na pagtatagumpay sa mga kahirapan at krisis, walang tigil na lumalakas at umuunlad ang sangkatauhan. Aniya, kailangang pag-aralan ng iba’t-ibang bansa ang mga karanasan at aral para magkakasamang makalikha ng mas magandang kinabukasan para sa buong sangkatauhan.
Dagdag pa niya, dapat ibayo pang palakasin ng iba’t-ibang bansa ang pagkakaisa at pagtutulungan para ganap na mapagtagumpayan ang pandemiya sa lalong madaling panahon. Dapat ibayo pang palakasin ang multilateral na pagkokoordinahan para walang humpay na mapabuti ang pandaigdigang sistema ng pagsasaayos aniya pa. Dapat ding ibayo pang palakasin ang pagbubukas para mapasulong ang pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig. At dapat ibayo pang palakasin ang diyalogo at pagtitiwalaan para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at kaunlarang panrehiyon.
Salin: Lito
Pulido: Mac