Sa pamamagitan ng video link, idinaos nitong Biyernes, Nobyembre 20, 2020 ang Ika-27 Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Perdana Menteri, Punong Ministro ng Malaysia, host ng nasabing pulong, na dapat magkaisa ang mga miyembro ng APEC para harapin ang pandemiya ng COVID-19 at magkakasamang pasulungin ang pag-ahon ng kabuhayang panrehiyon pagkatapos ng pandemiya.
Nanawagan din siya sa mga kasapi ng APEC na magkakasamang harapin ang pandemiya at igarantiya ang patas na pagbibigay ng COVID-19 vaccine at teknolohiyang pangkalusugan sa mga mamamayan sa iba’t-ibang sulok ng buong daigdig.
Salin: Lito
Pulido: Mac