Ika-5 "1+6" Roundtable, ginanap

2020-11-25 15:07:01  CMG
Share with:

Ginanap Martes ng gabi, Nobyembre 24, 2020 ang Ika-5 “1+6” Roundtable na nilahukan nina Premyer Li Keqiang ng Tsina, Presidente David Malpass ng World Bank (WB), Managing Director Kristalina Georgieva ng International Monetary Fund (IMF), Pangalawang Direktor-Heneral Alan Wolff ng World Trade Organization (WTO), Direktor-Heneral Guy Ryder ng International Labour Organization (ILO), Pangkalahatang Kalihim Angel Gurria ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), at Tagapangulong Randal Quarles ng Financial Stability Board (FSB).
 

Ang nasabing roundtable na may temang “Pagpapasulong sa Pagbangon at Paglago ng Kabuhayang Pandaigdig Pagkatapos ng Panahon ng COVID-19” ay ginanap sa pamamagitan ng mga video link.
 

Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok, hinggil sa kalagayan ng kabuhayang pandaigdig, pangangasiwa sa kabuhayang pandaigdig pagkatapos ng panahon ng COVID-19, kalagayan ng kabuhayang Tsino at iba pang paksa.
 

Salin: Vera

Please select the login method