Pangulong Tsino, bumati sa pagkahalal ni Biden bilang pangulo ng Amerika

2020-11-26 10:52:36  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala nitong Miyerkules, Nobyembre 25, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Joe Biden, bilang pagbati sa kanyang pagkahalal bilang bagong pangulo ng Amerika.
 

Saad ni Xi, ang pagpapasulong sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay hindi lamang angkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi komong hangarin din ng komunidad ng daigdig.
 

Sa pamamagitan ni Biden, umaasa si Xi na igigiit ng Tsina at Amerika sa lalong madaling panahon ang prinsipyo ng pag-iwas sa sagupaan at komprontasyon, paggagalangan, kooperasyon at win-win results, at pag-uukulan ng pokus ang kooperasyon, kokontrolin ang alitan, pauunlarin ang malusog at matatag na relasyong Sino-Amerikano, at magkakapit-bisig na pasusulungin, kasama ng iba’t ibang bansa at komunidad ng daigdig, ang kapayapaan at kaunlaran ng mundo.
 

Nang araw ring iyon, nagpadala din ng mensaheng pambati si Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina sa kanyang bagong halal na American counterpart na si Kamala Harris.
 

Salin: Vera

Please select the login method