SCO pangangalagaan ang seguridad at katatagan ng rehiyon, at pasusulungin ang kaunlaran at kasaganaan ng mga kasapi

2020-11-27 15:25:10  CMG
Share with:

Ipinatalastas nitong Huwebes, Nobyembre 26, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na dadalo sa pamamagitan ng video link si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Ika-19 na pulong ng Konseho ng Lider ng Pamahalaan ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na itataguyod ng India sa ika-30 ng Nobyembre.
 

Saad ni Zhao, sa panahon ng nasabing pulong, lubos na makikipagpalitan ng kuru-kuro si Premyer Li, kasama ng mga kalahok na lider ng iba’t ibang bansa, hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon ng SCO sa kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pagtitipon-tipunin ang mas maraming komong palagay sa kooperasyon, itatakda ang mas maraming aktuwal na hakbangin, pasusulungin ang sinerhiya ng Belt and Road cooperation, estratehiyang pangkaunlaran ng iba’t ibang bansa at kooperasyong panrehiyon, patataasin ang lebel ng kooperasyon sa iba’t ibang larangan, tutulungan ang iba’t ibang bansa sa pagpapanumbalik ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at pasusulungin ang mas mabilis at mas magandang pag-unlad ng SCO.
 

Salin: Vera

Please select the login method