Fauci: Hindi agad na mawawala ang epidemiya ng COVID-19 sa Amerika

2020-12-01 16:25:32  CMG
Share with:

Fauci: Hindi agad na mawawala ang epidemiya ng COVID-19 sa Amerika

Sa isang programa nitong Linggo, ika-29 ng Nobyembre 2020, ng National Broadcasting Company, sinabi ni Anthony Fauci, kataas-taasang ekspertong Amerikano sa nakahahawang sakit, na hindi agad na mawawala ang epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-

19) sa Amerika, at posibleng makita ang malaking pagtaas ng bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso kada araw.

 

Ang Amerika ay nananatiling bansang may pinakamalubhang kalagayan ng epidemiya ng COVID-19 sa buong daigdig.

 

Ayon naman sa estadistika ng Johns Hopkins University, hanggang noong gabi ng Nobyembre 29, Eastern Standard Time, mahigit 13.36 milyon ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa Amerika, at mahigit 260 libo ang kabuuang bilang ng mga nasawi.

 

Ayon naman sa Cable News Network (CNN), nitong Nobyembre 29, 93.2 libong may-sakit sa Amerika ang na-ospital, at ito ay naging bagong record high. Idinulot nito ang malaking presyur sa sistemang medikal ng Amerika.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method