Tokyo, itinaguyod ang eksibisyon bilang paggunita sa Antwerp Olympic Games na ginanap sa kalagayan ng epidemiya ng trangkaso

2020-12-02 14:37:31  CMG
Share with:

Binuksan nitong Martes, Disyembre 1, 2020 sa Japan Olympic Museum ang espesyal na eksibisyon ng Antwerp Olympic Games, bilang paggunita sa nasabing Olimpiyada na ginanap sa Belgium noong 1920, sa kalagayan ng pandemiya ng trangkaso.
 

Layon ng Japanese Olympic Committee (JOC) na sa pamamagitan ng eksibisyong ito, ipakita sa buong mundo na mapapanaigan ng Tokyo ang kasalukuyang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at matagumpay na itataguyod ang isang summer Olympic Games.
 

Tatagal hanggang katapusan ng Pebrero, 2021 ang naturang eksibisyon.
 

Sa seremonya ng pagbubukas ng eksibisyon, sinabi ni YasuhiroYamashita, Tagapangulo ng JOC, na matutularan ng Tokyo ang maraming karanasan ng matagumpay na pagdaraos ng Antwerp Olympic Games sa kalagayan ng pandemiya.
 

Salin: Vera

Please select the login method