Sa regular na preskon nitong Huwebes, Disyembre 3, 2020, sinabi ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na mula noong Enero hanggang Oktubre ng 2020, pinanaigan ng iba’t ibang pilot free trade zones ng Tsina ang epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at ginawa ang positibong ambag sa aspekto ng pagpapatatag ng kalakalan at puhunang panlabas.
Ayon sa datos ng nasabing ministri, mula noong Enero hanggang Oktubre, umabot sa 3.8 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng unang pangkat ng 18 pilot free trade zones ng bansa, at ito ay katumbas ng 14.8% ng buong bansa; 131.01 bilyong yuan RMB naman ang puhunang dayuhan na aktuwal na ginamit nila, at ito ay katumbas ng 16.4% ng buong bansa.
Dagdag ni Gao, sa susunod na hakbang, bibigyan ng kanyang ministri ng mas malawak na karapatan ng pagpapasiya para ipatupad ang sariling reporma ng mga pilot free trade zones, at pasusulungin at kakatigan ang de-kalidad na pag-unlad ng mga sonang ito.
Salin: Vera