Sa karagdagang ulat ng “Prospek ng Pag-unlad ng Asya sa 2020” na isinapubliko nitong Huwebes, Disyembre 10, 2020 ng Asian Development Bank (ADB), sa kasalukuyan, mas mabilis ang pag-ahon ng kabuhayang Tsino kaysa inaasahan. Itinaas sa 2.1% ng ADB ang pagtaya sa paglaki ng kabuhayang Tsino sa 2020 mula sa naunang 1.8%.
Ayon pa sa pagtaya ng nasabing ulat, lalaki ng 7.7% ang kabuhayang Tsino sa susunod na taon.
Ang “Prospek ng Pag-unlad ng Asya” ay taunang ulat ng kabuhayan ng ADB kung saan gumagawa ng pagtaya sa pag-unlad ng kabuhayan sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Salin: Lito
Pulido: Mac