Sa kanyang talumpati sa pulong ng pangkalahatang asemblea ng United Nations (UN) sa pagsusuri ng isyu ng Afghanistan, nitong Huwebes, Disyembre 10, 2020 nanawagan si Geng Shuang, Pirmihang Pangalawang Kinatawang Tsino sa UN, sa komunidad ng daigdig na lumikha ng paborableng kondisyon na makakabuti sa talastasang pangkapayapaan ng Afghanistan at tulungan ito sa pagpapabuti ng kapaligirang panseguridad.
Bukod dito, sinabi ni Geng na dapat tulungan ng komunidad ng daigdig ang panig Afghani sa pagkontrol ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa lalong madaling panahon at pagpapa-ahon ng kabuhayan at lipunan ng bansang ito. Patuloy na magkakaloob ang panig Tsino ng tulong hangga’t makakaya, sa Afghanistan sa aspekto ng pakikibaka laban sa pandemiya, at pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, dagdag pa niya.
Salin: Lito
Pulido: Mac