“Climate emergency,” idineklara ni Antonio Guterres sa buong daigdig

2020-12-13 13:24:35  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa Climate Ambition Summit nitong Sabado, Disyembre 12, 2020, nanawagan si Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), sa mga lider ng iba’t-ibang bansa ng daigdig na ipatalastas ang pagpasok ng kani-kanilang bansa sa “climate emergency” upang maisakatuparan ang carbon neutral.

 

Sinabi niya na hanggang sa kasalukuyan, 38 bansa lamang ang gumagawa nito, at umaasa siyang susunod ang iba pang mga bansa sa landas na ito.

 

Hinimok din niya ang lahat na kailangang samantalahin ang pagkakataon ng pag-ahon mula sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) para makatahak ang kanilang kabuhayan at lipunan sa luntiang landas na angkop sa UN 2030 Sustainable Development Goals.

 

Bukod dito, nanawagan din siya sa mga maunlad na bansa na tupdin ang kanilang pangakong magkaloob bawat taon ng 100 bilyong dolyares na pondo ng klima para sa mga umuunlad na bansa hanggang kasalukuyang taon.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method