Puno ng UN: Tsina, susi sa pandaigdigang pagharap sa pagbabago ng klima

2020-12-12 15:17:15  CMG
Share with:

Sa panayam kamakailan sa China Global Television Network (CGTN), sinabi ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN), na susi ang Tsina sa pandaigdigang pagharap sa pagbabago ng klima, at mahalaga ang papel nito para sa pagsasakatuparan ng mga target ng Paris Agreement.

 

Umaasa si Guterres, na mamumuno ang Tsina sa pagkakaroon ng kooperasyong pandaigdig sa isyu ng klima, at hihikayatin sa pamamagitan ng Belt and Road Initiative ang paglahok ng mas maraming umuunlad na bansa sa mga pagsisikap para sa pagharap sa pagbabago ng klima.

 

Kaugnay naman ng posibilidad ng pagbalik ng Amerika sa Paris Agreement sa ilalim ng panunungkulan ni President-elect Joe Biden, ipinahayag din ni Guterres ang pag-asang magtutulungan ang Tsina at Amerika, kasama ng ibang mga bansa at organisasyong pandaigdig, para pag-ibayuhin ang pagsisikap sa pagharap sa pagbabago ng klima at pagliligtas ng Mundo.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method