Sa pag-uusap sa telepono nitong Linggo, Disyembre 13, 2020 nina Ursula von der Leyen, Presidente ng European Commission at Boris Johnson, Punong Ministro ng Britanya, ipinasya nilang ipagpatuloy ang talastasan hinggil sa relasyon ng dalawang panig sa hinaharap, at magpunyagi upang marating ang kasunduan sa maikling panahon.
Sa isang maikling magkasanib na pahayag ng Unyong Europeo (EU) at Britanya na binasa ni von der Leyen sa pamamagitan ng video speech nang araw ring iyon, sinabi niyang konstruktibo at kapaki-pakinabang ang kanyang pakikipag-usap kay Johnson.
Inihayag din ni von der Leyen na idaraos sa Brussels, Belgium ang susunod na yugto ng talastasan.
Salin: Vera