Kaugnay ng ipinalabas na ulat ng pamahalaang Britaniko hinggil sa Hong Kong, hinimok nitong Martes, Nobyembre 24, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang panig Britaniko na itakwil ang kaisipan ng kolonyalismo, itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, at bumalik sa tumpak na landas ng pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig.
Ani Zhao, ang Hong Kong ay espesyal na rehiyong administratibo ng Tsina, at walang karapatan ang Britanya na makialam sa mga suliranin ng Hong Kong, alinsunod sa Magkasanib na Pahayag ng Tsina at Britanya.
Diin niya, sapul nang bumalik sa inang bayan ang Hong Kong, totohanang ipinapatupad ng pamahalaang sentral ng Tsina ang Isang Bansa, Dalawang Sistema, pangangasiwa sa Hong Kong ng mga taga-Hong Kong, at awtonomiya sa mataas na antas.
Tinatamasa aniya ng mga residente sa Hong Kong ang lubos na karapatan at kalayaan.
Dagdag ni Zhao, matatag at di-mabubuwag ang determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pagpapatupad ng Isang Bansa, Dalawang Sistema; pangangalaga sa soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran ng bansa; at pagtutol sa pakikialam ng anumang puwersang panlabas sa mga suliranin ng Hong Kong.
Salin: Vera
Tsina, buong tinding tinututulan ang panghihimasok ng ilang bansa sa mga suliraning panloob ng Tsina
Tsina sa ilang bansang kanluran: Agarang itigil ang pakiki-alam sa mga suliranin ng Hong Kong
Desisyon hinggil sa HongKong, aprubado ng Pirmihang Lupon ng NPC
Mariing pagtutol at pagkondena, ipinahayag ng Tsina sa sangsyon ng Amerika sa 4 na opisyal Tsino