Ipinahayag nitong Lunes, Disyembre 14, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tinatanggap ng panig Tsino ang konstruktibong mungkahi mula sa mga bansa sa labas ng rehiyong ito tungkol sa paggagalugad at paggamit ng mga Lancang-Mekong countries ng yamang-tubig. Ngunit mariin aniyang tinututulan ng panig Tsino ang panunulsol.
Ipinahayag din niya na buong tatag na isusulong ng panig Tsino ang kooperasyon sa yamang-tubig sa Lancang-Mekong River para makapagbigay ng mas malaking ambag sa magkakasamang pagharap ng 6 na bansa sa ilog na ito sa kalamidad ng baha at tagtuyot at pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad.
Salin: Lito
Pulido: Mac