Tsina, pinabulaanan ang maling pananalita ng kinatawang Amerikano tungkol sa Tsina

2020-12-16 15:04:43  CMG
Share with:

Sa pahayag na ipinalabas kamakailan ng tagapagsalita ng pirmihang delegasyong Tsino sa United Nations (UN), pinabulaanan nito ang maling pananalita ni Kelly Craft, pirmihang kinatawang Amerikano sa UN, tungkol sa Tsina.

 

Ipinahayag nito ang buong tinding pagtutol at ganap na pagtanggi sa walang batayang pag-atake sa kalagayan ng karapatang pantao ng Tsina at muling pagpapalaganap ng political virus.

 

Anang pahayag, ang pananalita ni Craft ay tunay na pagpakita ng iilang politikong Amerikano na nagsisinungaling at nanglilinlang. Anito, ang nasabing kilos na walang anumang katwiran at bottomline ay hindi matatakpan ang  umiiral na grabeng sariling problema ng Amerika. Sa katotohanan, ang Amerika ang siyang dapat na  mahiya sa sariling kalagayan ng karapatang pantao.

 

Bukod dito, pinayuhan din ng pahayag ang  Amerika na dapat itakwil ang Cold War Mentality at pagkiling sa idelohiya, itigil ang pagpapalaganap ng political virus, itigil ang panghihimasok sa mga suliraning panloob ng ibang bansa sa pamamagitan ng isyu ng karapatang pantao, at itigil ang paglilikha ng mas maraming kaguluhan sa daigdig.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method