Ayon sa pahayag ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos nitong Miyerkules, Disyembre 16, 2020, nagkaroon ng kontak si Kalihim Mike Pompeo sa isang taong nagpositibo ng coronavirus, at siya ngayon ay sumasailalim na sa kuwarentenas.
Anang pahayag, tinanggap na ni Pompeo ang coronavirus test, at negatibo ang resulta.
Ayon sa patnubay ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika, magkukuwarentenas si Pompeo, at mahigpit na susubaybayan ng grupong medikal ang kanyang kondisyong pangkalusugan.
Ayon sa datos ng Johns Hopkins University, hanggang Miyerkules ng tanghali, Eastern Standard Time,lumampas na sa 16.75 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at mahigit 30,400 ang bilang ng mga pumanaw.
Salin: Vera