Sa maraming okasyong pandaigdig kamakailan, walang patid ang paninira ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos sa Tsina, at walang humpay na pinalalaganap ang kasinungalingan ng umano paglikha ng Belt and Road Initiative ng “debt trap.” Tangka niyang hadlangan ang kooperasyon ng Tsina at ibang may kinalamang bansa, bagay na ikinawala ng kasiyahan ng komunidad ng daigdig.
Ang Belt and Road Initiative ay pandaigdigang produktong pampubliko na ipinagkaloob ng Tsina sa komunidad ng daigdig. Sapul nang iharap ang nasabing inisyatiba noong 2013, palagiang nakikipagkooperasyon ang Tsina sa mga umuunlad na bansa, batay sa paggagalangan, pagkakapantay at mutuwal na kapakinabangan. Sa abot ng makakaya, ipinagkaloob ng Tsina ang walang anumang pag-aalinlangang tulong-pulitikal sa ibang bansa, bagay na mabisang nakapagpasulong sa pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan sa lokalidad.
Hanggang sa kasalukuyan, walang anumang bansa ang nabiktima ng umano’y “debt trap,” dahil sa kooperasyon sa Tsina.
Hanggang noong Mayo ng 2020, lumagda ang Tsina, kasama ng 138 bansa at 30 organisasyong pandaigdig sa 200 dokumentong pangkooperasyon sa pagtatatag ng Belt and Road.
Subalit ayon sa datos ng International Monetary Fund (IMF), hanggang noong katapusan ng 2019, 40% bansang Aprikano ang nahaharap sa kahirapan ng utang, at ang kreditor ng karamihan ng mga bansa ay mga bangko at bahay-kalakal ng mga bansang Europeo at Amerikano.
Sa kasalukuyan, ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay nagbunsod ng malubhang epekto sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Upang tulungan ang maraming umuunlad na bansang nahaharap sa ekonomikong presyur, aktibong inilunsad at isinali ng Tsina ang plano ng pagpapahupa ng pautang ng G20, samantalang masipag na pinasulong ang mga proyekto ng konstruksyon ng imprastruktura ng Belt and Road Initiative.
Ito ay lubos na nagpapakitang ang nasabing inisyatiba ay solusyon sa mga problemang pangkaunlaran, sa halip ng paglalagay sa debt deadlock.
Salin: Vera