Punong tagadisenyo ng Beidou-3 Satellite: Ididisenyo ang mas inklusibo’t matalinong navigation satellite system para sa sangkatauhan

2020-12-22 15:09:53  CMG
Share with:

Nang kapanayamin kamakailan ng China Media Group (CMG), ipinahayag ni Xie Jun, Pangalawang Punong Tagadisenyo ng Beidou Navigation Satellite System at Punong Tagadisenyo ng Beidou-3 Satellite, na batay sa target ng proyektong pangkalawakan ng Tsina na “maging mas malawakan, mas inklusibo at mas matalino,” ipapaplano, ididisenyo, at itatayo ng Tsina ang bagong navigation satellite system, upang makatugon sa hangarin ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa sa paghahanap ng magandang pamumuhay.
 

Isinalaysay ni Xie na sapul nang matapos ang konstruksyon ng Beidou-2 Satellite noong 2012, sinimulang ipagkaloob nito ang serbisyo sa Tsina at rehiyong Asya-Pasipiko.
 

Hanggang 2020, ang mga produkto at serbisyo ng Beidou Navigation Satellite ay naglilingkod sa maraming larangan sa 120 bansa ng buong mundo.
 

Salin: Vera

Please select the login method