Tsina, palalalimin ang pandaigdigang kooperasyong pangkalawakan

2020-12-08 14:34:24  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-7 ng Disyembre 2020, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pasasalamat ng kanyang bansa sa mga miyembro ng komunidad ng daigdig para sa kanilang pagbibigay-pansin at pagbati sa misyon ng Chang'e-5 lunar probe ng Tsina.

 

Nauna rito, ipinahayag ni Punong Ministro Mikhail Mishustin ng Rusya ang pagbati sa Tsina para sa pagsasagawa ng nasabing misyon. Nakahanda rin aniya ang Rusya na pasulungin, kasama ng Tsina, ang kooperasyong pangkalawakan.

 

Kaugnay nito, inulit ni Hua, na iginigiit ng Tsina ang mapayapang paggamit ng kalawakan, pagsasagawa ng pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan sa aspektong ito, at pagbabahagi ng mga bunga para sa ikauunlad ng usaping pangkalawakan.

 

Dagdag niya, habang nasa isipan ang ikabubuti ng buong sangkatauhan, at sa pamamagitan ng bukas at inklusibong atityud, patuloy na palalalimin ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyong pangkalawakan, at pasusulungin ang paggagalugad at mapayapang paggamit ng kalawakan.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method