White paper hinggil sa sustenableng pag-unlad ng transportasyon ng Tsina, inilabas

2020-12-22 16:52:48  CMG
Share with:

Inilabas Martes, Disyembre 22, 2020 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang “Sustenableng Pag-unlad ng Transportasyon ng Tsina.”
 

Ito ang muling komprehensibong paglalahad ng Tsina ng kalagayan at natamong tagumpay ng transportasyon ng bansa, sa pamamagitan ng white paper, pagkaraang ilabas ang white paper hinggil sa pag-unlad ng transportasyon ng Tsina noong Disyembre ng 2016.
 

Komprehensibong nilagom ng white paper ang natamong tagumpay ng pag-unlad ng transportasyon ng Tsina, inilahad ang isang serye ng patakaran at hakbangin ng bansa sa pagpapasulong sa pag-unlad ng transportasyon, sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), malalimang ipinaliwanag ang ideya at praktika ng bansa sa sustenableng pag-unlad ng transportasyon, at iniharap ang mga patakaran at paninindigan sa pag-unlad ng transportasyon ng bansa sa hinaharap.
 

Anang white paper, mahalagang mahalaga ang transportasyon para sa pagpapalakas ng konektibidad, at pagpapasulong sa people-to-people bond. Bilang isang responsableng bansa, mataimtim na ipinapatupad ng Tsina ang 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations (UN), aktibong sumasali sa global transport governance, pinapalakas ang pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan, at pinapatingkad ang katalinuhan at puwersa ng Tsina para sa pagpapasulong sa sustenableng pag-unlad ng mundo, at pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
 

Salin: Vera

Please select the login method