Bolyum ng pasahero ng domestikong abiyasyong sibil ng Tsina noong ika-3 kuwarter, balik sa 98%

2020-10-29 15:57:37  CMG
Share with:

Bumalik na sa 98% noong ika-3 kuwarter ng taong ito, ang bolyum ng pasahero ng domestikong abiyasyong sibil ng Tsina.
 

Ito ang winika sa news briefing Miyerkules, Oktubre 28, 2020 ni Wu Chungeng, Tagapagsalita ng Ministri ng Transportasyon ng Tsina.
 

Saad ni Wu, kahit may negatibong epekto ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nanatili pa ring mataas ang paglaki ng fixed-asset investment ng transportasyon ng bansa noong unang tatlong kuwarter ng 2020.
 

Positibo ang paglaki ng bolyum ng paghahatid ng panininda ng buong lipunan nitong nakalipas na 5 buwang singkad, dagdag pa niya.
 

Sinabi ni Wu na ang magandang indeks ng pag-unlad ng transportasyon at matatag na tunguhin ng takbo nito noong unang tatlong kuwarter ay nagpapatunay sa mainam na takbo ng makro-ekonomiya ng Tsina.
 

Pinatibay rin nito ang kompiyansa sa industriya ng transportasyon na maisasakatuparan nito ang target para sa buong taon, at maigagarantiya ang matatag na pag-unlad ng kabuhayan.
 

Salin: Vera

Please select the login method