Beijing, Tsina—Ginanap nitong Lunes, Disyembre 21, 2020 ang Silk Road Friendship Award Ceremony 2020.
Ginawaran ng karangalang friendship award ang 10 indibiduwal at isang organisasyon mula sa 10 bansa. Sila ay nahalal mula sa mahigit 100 kandidatong inirekomenda ng China International Culture Exchange Center, mga mediang Tsino’t dayuhan, at mga organisasyong pangkaibigan sa loob at labas ng bansa.
Dumalo sa seremonyang ito ang mga diplomata at tauhan mula sa mahigit 30 bansang gaya ng Indonesia, Rusya, Republika ng Azerbaijian, at Jordan.
Pawang nagpahayag ang mga diplomatang dayuhan ng pag-asang mapagtatagumpayan ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lalong madaling panahon.
Inilunsad din sa seremonya ang pondo ng pangarap ng Silk Road, para tulungan ang mga friendship laureate na magsakatuparan ng isa sa kani-kanilang mga pangarap.
Salin: Vera