Xi’an, Lalawigang Shaanxi ng Tsina—Binuksan Linggo ng gabi, Oktubre 11, 2020 ang 6-araw na Ika-7 Silk Road International Film Festival. Kasali rito ang mahigit 3,000 pelikula mula sa 116 na bansa at rehiyon.
Sa panahon ng pestibal, itatanghal ang mahigit 500 namumukod na pelikula mula sa loob at labas ng bansa.
Kabilang dito, 102 pelikula ang itatanghal sa mga sinehan, at 70% sa mga ito ay galing sa mga bansa’t rehiyon sa kahabaan ng Belt and Road.
Ang Silk Road International Film Festival ay itinayo noong 2014, at halinhinan itong itinataguyod ng Lalawigang Shaanxi at Fujian. Ito ay nagsisilbing piyesta ng pelikula ng mga bansa’t rehiyon sa kahabaan ng Belt and Road.
Salin: Vera