CMG at pamahalaan ng Macao SAR, lumagda sa framework agreement sa pagpapalalim ng estratehikong kooperasyon

2020-12-27 10:43:29  CMG
Share with:

Macao--Sa bisperas ng ika-21 anibersaryo ng pagkabalik ng Macao sa inang bayan, nilagdaan nitong Sabado, Disyembre 26, 2020 ng China Media Group (CMG) at pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR) ang framework agreement sa pagpapalalim ng estratehikong kooperasyon.

CMG at pamahalaan ng Macao SAR, lumagda sa framework agreement sa pagpapalalim ng estratehikong kooperasyon_fororder_20201227CMGMacao1

Magkasamang dumalo sa seremonya ng paglagda sina Ho Iat Seng, Punong Ehekutibo ng Macao SAR, Shen Haixiong, Presidente ng CMG, at ang mga opisyal ng Tanggapang Liasyon ng Pamahalaang Sentral sa Macao.

Nitong nakalipas na mahigit isang taon, isinagawa ng CMG at pamahalaan ng Macao SAR ang malawakang kooperasyon sa mga aspektong gaya ng pagbabalita, pagsasahimpapawid ng mga paligsahang pampalakasan, pagpoprodyus ng mga pelikula, TV series, dokumentaryo, at mga programang kultural at panturismo.

Layon ng paglagda ng nasabing kasunduan na palawakin ang mga larangang pangkooperasyon, buuin ang mekanismo ng kooperasyon, at bigyang-ambag ang masaganang pag-unlad ng Macao.

Salin: Vera

Please select the login method