Bilang tugon sa pag-share kamakailan ng Embahadang Amerikano sa Tsina ng mga nilalaman sa Twitter ng Kagarawan ng Estado nito para atakehin at dungusan ang kaukulang patakaran ng Tsina sa Xinjiang, ipinahayag nitong Lunes, Disyembre 28, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa pamumuno ng iilang politikong kontra-Tsina, binabalewala ng Departamento ng Ugnayang Panlabas ng Amerika ang katotohanan, nililikha ang mga kasinungalian, at paulit-ulit na ipinagkakalat ang mga maling impormasyon tungkol sa Xinjiang. Mariin itong tinututulan at mahigpit na kinokondena ng panig Tsino.
Dagdag niya, dapat tupdin ng Embahadang Amerikano sa Tsina ang tungkulin nitong isulong ang relasyong Sino-Amerikano at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, sa halip ng pagkakalat ng mga pekeng impormasyon para sa pag-atake at pagdungis sa Tsina.
Salin: Lito
Pulido: Mac