"Gusto naming magtrabaho, para magkaroon ng kita at mga kakayahang bokasyonal at pabutihin ang pamumuhay sa pamamagitan ng sariling mga kamay. Kailangan ba itong pilitin ng iba?"
Ito ang sinabi sa preskon nitong Disyembre 21, ni Sireli Memetemin, residenteng Uygur sa Hotan, Rehiyong Awtonomo ng Uyghur ng Xinjiang ng Tsina, bilang pakli sa umano'y isyu ng "sapilitang pagtatrabaho" sa Xinjiang, na ini-imbento ng ilang politikong kanluranin.
Malinaw ang kanilang motibo sa pag-imbento ng isyung ito. Nais nilang guluhin ang Tsina sa pamamagitan ng panunulsol ng hidwaan sa pagitan ng mga grupong eteniko ng bansa, at siraang-puri ang Tsina sa pamamagitan ng paglikha ng mga sensitibong isyu sa daigdig.
Walang umano'y isyu ng "sapilitang pagtatrabaho" sa Xinjiang. Ayon sa imbestigasyon at panayam sa mga mamamayan ng iba't ibang etniko sa Xinjiang, kusang-loob, inisyatibo, at malaya sila sa pagtatrabaho, at pantay-pantay ang pakikitungo sa iba't ibang etniko sa aspektong ito.
Sa nabanggit na preskon, sinabi naman ng isang babaeng Uygur na si Pezilet Tursun, na ikinasisiya niya ang kanyang trabaho sa kasalukuyan, at sa pamamagitan nito, napabuti niya ang pamumuhay ng buong pamilya.
May karapatan at kalayaan sa pagtatrabaho ang mga taga-Xinjiang, para makahulagpos sa karalitaan at magkaroon ng maligayang pamumuhay. Ito ay hindi dapat ipagkait o gamitin ng iba para sa masamang motibo.
Salin: Liu Kai
CMG Komentaryo: Pagkakamali sa paghawak ng COVID-19, dapat aminin ng administrasyon ni Trump
CMG Komentaryo: Elemento ng katatagan, nais idulot ng Tsina sa daigdig
CMG Komentaryo: Tangka ng pagsira sa kinabukasan ng relasyong Sino-Amerikano, tiyak na mabibigo
CMG Komentaryo: Pangako ng Tsina kaugnay ng bakuna laban sa COVID-19, natutupad