Nitong Linggo, Disyembre 27, 2020 idinaos ang kauna-unahang International Day of Epidemic Preparedness, at ginunita ang okasyong ito ng United Nations (UN).
Sa kani-kanilang video speech, tinukoy ng mga pangunahing namamahalang tauhan ng UN at mga kaukulang organo na dapat kapulutan ng aral ng komunidad ng daigdig ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at pag-ibayuhin ang laang-gugulin sa gawin ng pagpigil sa epidemiya, para maging handa sa anumang biglaang krisis pangkalusugan na posibleng maganap sa hinaharap.
Ipinagdiinan naman ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na kailangang-kailangan ang pagbuo ng malakas na sistemang pangkalusugan at pagpapalakas ng kooperasyong teknolohikal sa pagitan ng iba’t ibang bansa. Aniya, masusing masusi ang pagkakaisa at koordinasyon sa loob ng isang bansa at sa pagitan ng mga bansa.
Salin: Vera