Ipinahayag kamakailan ni Zurab Pololikashvili, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations World Tourism Organization (UNWTO), na mayroong “bigla at walang-katulad” na epekto sa turismong pandaigdig ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Aniya, napakahalaga ng pagkokoordinahan at pagtutulungan sa pagitan ng mga pamahalaan, at mga pamahalaan at pribadong sektor ng iba’t-ibang bansa para muling umahon ang kompiyansa ng turismong pandaigdig sa kinabukasan.
Tinukoy niya na sa harap ng pandemiya, isinasagawa ng mga pamahalaan ng iba’t-ibang bansa ang mabilis at malakas na hakbangin na gaya ng pagpapasigla ng kabuhayan at pagsuporta sa paghahanap-buhay.
Aniya pa, puspusang magpupunyagi ang UNWTO para mapasulong ang pag-unlad ng low-carbon tourism.
Bibigyan din niya ng pansin ang kontribusyon ng turismo sa hangarin ng pagpapabuti ng klima sa buong daigdig.
Dapat magkakasamang magsikap ang mga bahay-kalakal ng turismo at pamahalaan ng iba’t-ibang bansa para mapasigla muli ang ambisyon sa pagharap sa pagbabago ng klima, diin niya.
Salin: Lito
Pulido: Rhio