Isang pambihirang Kapaskuhan ang ipinagdiriwang ng mga Pinoy ngayong taon. Sa gitna ng pandemiya, ipinaabot ng mga mag-aaral ng Philippine Studies Program ng Yunnan Minzu University (YMU) ang hangaring malalampasan ng Pilipinas ang pandemiya ng COVID-19 sa lalong madaling panahon.
Bilang pagdiriwang sa Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon, nagpalitan ang mga estudyanteng Tsino ng mga regalo.
Ipinahayag din nila ang magandang hangarin para sa malusog na pangangatawan, masayang pamumuhay, pagsasakatuparan ng mga pangarap, masaganang kinabukasan, at iba pa.
Ang Philippine Studies Program ng YMU ay may 21 estudyante na kabilang sa Batch 2017 at Batch 2019. Ang YMU at University of the Philippines (UP) ay may exchange program. Mula noong Hulyo, 2019 hanggang Mayo, 2020, nag-aral sa UP ang mga estudyante ng Batch 2017 ng YMU.
Ang YMU ay isa sa tatlong pamantasan ng Tsina na may programang Philippine Studies. Ang dalawang iba pa ay ang Peking University (PKU) at Beijing Foreign Studies Program (BFSU).
Ulat/Web-edit: Jade
Pulido: Mac
Video: He Xiaomei, estudyante ng Philippine Studies Program ng YMU
Technical support sa video-edit: Sarah
Espesyal na pasasalamat sa mga guro at mag-aaral ng Philippine Studies Program ng YMU