Kasunduang pampamumuhunan ng Tsina at Europa, nagpapakita ng determinasyon at kompiyansa ng Tsina sa pagbubukas sa labas — Xi Jinping

2020-12-31 11:50:27  CMG
Share with:

Sa virtual meeting na ginanap sa Beijing nitong Miyerkules ng gabi, Disyembre 30, 2020 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, Presidente Charles Michel ng European Council, at Presidente Ursula von der Leyen ng European Commission, ipinagdiinan ni Xi na ipinakikita ng kasunduang pampamumuhunan ng Tsina at Europa ang determinasyon at kompiyansa ng panig Tsino sa pagpapasulong ng pagbubukas sa labas sa mas mataas na lebel.

 

Ani Xi, ang kasunduang ito ay magkakaloob ng mas malaking market access, mas mataas na lebel ng kapaligirang pangnegosyo, mas malakas na garantiyang pansistema, at mas malinaw na prospek ng kooperasyon sa pamumuhunan ng Tsina at Europa .

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method