Tsina at EU, dapat magkasama at aktibong umaksyon sa taong 2021 — Xi Jinping

2020-12-31 10:35:45  CMG
Share with:

Sa virtual meeting na ginanap sa Beijing nitong Miyerkules ng gabi, Disyembre 30, 2020 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, Presidente Charles Michel ng European Council, at Presidente Ursula von der Leyen ng European Commission, ipinagdiinan ng pangulong Tsino, na kasabay ng pagsapit ng taong 2021, bilang dalawang malaking puwersa, pamilihan, at sibilisasyon sa buong daigdig, dapat aktibong umaksyon ang Tsina at Europa.

 

Dagdag ni Xi, kailangang palakasin ang diyalogo, pahigpitin ang pagtitiwalaan, palalimin ang kooperasyon, at maayos na hawakan ang mga alitan para makalikha ng bagong kalagayan ng pag-unlad.

 

Bukod dito, dapat din aniyang magkasamang koordinahin ng dalawang panig ang aksyon ng pakikibaka laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), magkasamang pasulungin ang pag-ahon ng kabuhayan, i-ugnay ang mga estratehiyang pangkaunlaran, pabilisin ang luntiang pag-unlad, at pasulungin ang multilateral na kooperasyon.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method