CMG Komentaryo: Tsina, kasabay ng daigdig tungo sa mas magandang kinabukasan sa bagong taon

2021-01-01 17:18:17  CMG
Share with:

 

Sa bisperas ng Bagong Taon ng 2021, ipinaabot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang bating pambagong taon.

 

Binalik-tanaw niya ang mga pagsubok at pagsisikap ng sambayanang Tsino sa di-pangkaraniwang taong 2020. Ibinahagi rin niya ang pananaw na pangkaunlaran para sa taong 2021.

 

Noong isang taon, nanalasa sa buong daigdig ang pandemiya ng COVID-19.

 

Sa harap ng hamon ng salot, laging ipinauna ng Tsina ang kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan. Sa kanyang mensahe, ipinagmamalaki at hinahangaan ni Pangulong Xi ang bawat mamamayang Tsino.

 

Aktibo rin ang Tsina sa pakikipagtulungang pandaigdig kontra pandemya. Sa maraming okasyon, sa ngalan ng Tsina, nanawagan si Xi sa komunidad ng daigdig na magkapit-bisig para malampasan ang pandemiya. Ibinahagi ng Tsina ang karanasan sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, at  nagpadala ng mga grupong medikal sa iba’t ibang bansa na kinabibilangan ng Pilipinas. Ipinagkaloob din ng Tsina sa mga bansang banyaga ang mga materyales medikal na gaya ng maskara, ventilator, personal protection equipment, at iba pa.

 

Ani Xi, sa harap ng pagsubok at kahirapan noong isang taon, mas malalim ang pagkakaunawa natin sa katuturan ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.  

 

Noong 2020, naisakatuparan din ng Tsina ang balanse ng pagkontrol sa pandemiya at pagpapaunlad ng kabuhayan. Noong isang taon, ang Tsina ang nag-iisang kabuhayang may positibong paglaki sa daigdig. Masasabing ang pag-ahon ng Tsina ay nagdudulot din ng mga pagkakataon para sa pagbabalik-normal ng daigdig.

 

Sa kanyang mensahe, inulit ng pangulong Tsino ang pangako ng Tsina hinggil sa ibayo pang pagrereporma at pagbubukas sa labas.

 

Matatag ang yapak ng Tsina tungo sa target ng pagsasakatuparan ng panlahat na kaunlaran at kasaganaan. Kabalikat ng Tsina ang iba’t ibang bansa para mahawi ang lagim ng pandemiya at itatag ang Mundong mas  magandang tirahan.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac 

Please select the login method