Ayon sa data ng Center for Systems Science and Engineering sa Johns Hopkins University, hanggang kagabi, ika-2 ng Enero 2021, lumampas sa 350 libo ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika.
Ayon pa rin sa data, hanggang Sabado ng hatinggabi, local time, lumampas naman sa 20.4 milyon ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika.
Ipinakikita rin ng data, na pagkaraang umabot sa 300 libo ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa Amerika noong Disyembre 14, 2020, ang paglaki ng bilang na ito araw-araw ay lumampas sa 50 libo nitong nakalipas na 19 na araw singkad.
Salin: Liu Kai
79,673,754, kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo
79,232,555, kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo
Lampas na sa 80 milyon, kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo
77,530,799, kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo