Eksperto ng Coronavirus Task Force ng pamahalaang Amerikano, lumabag sa tadhana para sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19

2020-12-24 18:30:35  CMG
Share with:

Pinupuna ngayon si Deborah Birx, Koordinador ng White House Coronavirus Task Force, dahil sa kanyang paglabag sa opisyal na tadhana para sa pagpigil at pagkontrol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Ayon sa ulat nitong Disyembre 21 ng Associated Press, si Birx at kanyang asawa, na nakatira sa Washington D.C., ay natuklasang nagbiyahe noong araw pagkaraan ng Thanksgiving sa kanyang vacation property sa Fenwick Island, Delaware. Kasama sila roon ang kanilang anak na babae, manugang, at dalawang apo, na nakatira sa Potomac, Maryland.

 

Nauna rito, hiniling ng Centers for Disease Control and Prevention sa mga Amerikano na huwag magbiyahe sa bakasyon ng Thanksgiving, at huwag isagawa ang indoor activity kasama ng mga tao mula sa magkakaibang pabahay. Kaya, lumabag si Birx sa tadhana.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method