Kabuhayang pandaigdig sa 2021, may pag-asang lalaki ng 4% — WB

2021-01-06 14:02:57  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling ulat ng Global Economic Outlook na isinapubliko nitong Martes, Enero 5, 2021 ng World Bank (WB), batay sa gagawing malawakang paggamit ng COVID-19 vaccines, tinatayang lalaki ng 4% ang kabuhayang pandaigdig sa taong 2021.
 
Anang ulat, upang suportahan ang pag-ahon ng kabuhayan, dapat gawing pokus ng mga patakaran ng iba’t-ibang ekonomiya ang pagkontrol sa pagkalat ng pandemiya, igarantiya ang mabilis at malawakang pagbabahagi ng bakuna, at isagawa ang reporma sa kanilang pamumuhunan.
 
Bukod dito, sinabi ng ulat na sa kasalukuyang taon, may pag-asang lalaki ng 7.9% ang kabuhayang Tsino.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method