Sa kanyang paglalakbay-suri noong Abril 2020 sa lalawigang Shaanxi, bumisita si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa isang istudyo sa Nayong Jinmi para sa pagsasagawa ng livestreaming sales ng mga produktong agrikultural.
Sa harap ng epektong dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa offline sales ng mga produktong agrikultural, sinamantala ng Nayong Jinmi ang E-commerce para sa pagbebenta ng black fungus sa lokalidad, at natamo ang malaking sales volume.
Pagkaraang ibatid ang tungkol dito, ipinahayag ni Xi, na mahalaga ang papel ng E-commerce para sa pagpo-promote at pagbebenta ng mga produktong agrikultural, at dapat ibayo pang patingkarin ang papel na ito.
Dagdag niya, kasabay ng pagpapaunlad ng E-commerce, dapat ding palakasin ang konstruksyon ng lansangan, network, koryente, at lohistika, bilang suporta sa pagbebenta ng mga produktong agrikultural.
Ang video ng pagbisita ni Xi sa nabanggit na istudyo ay nakaakit ng mahigit 20 milyong manonood sa livestreaming sales ng Nayong Jinmi, at bumili sila ng 24 na toneladang black fungus sa loob ng isang araw.
Dahil dito, tinawag ng mga netizen Tsino si Xi na "pinakamabuting livestreaming seller."
Salin: Liu Kai
Dokumentaryong pinamagatang "Kahanga-hangang Pamumuno," ipinalabas ng CMG
Balik-tanawin ang mga aktibidad ni Xi Jinping sa 2020: mga lugar na pinuntahan
Balik-tanawin ang mga aktibidad ni Xi Jinping sa 2020: mga bagay na pinahahalagahan
Balik-tanawin ang mga aktibidad ni Xi Jinping sa 2020: mga mamamayang dinalaw
[Op-Ed] Mga pahayag ni Xi Jinping tungkol sa pandaigdigang pamamahala sa 2020