[Op-Ed] Mga pahayag ni Xi Jinping tungkol sa pandaigdigang pamamahala sa 2020

2020-12-29 18:07:33  CMG
Share with:

[Op-Ed] Mga pahayag ni Xi Jinping tungkol sa pandaigdigang pamamahala sa 2020_fororder_3baa8d8eb2814b19982f08239c20b3cb

 

Ang pandaigdigang pamamahala o "global governance" ay sistemang naglalayong palakasin ang kooperasyong pampulitika sa pagitan ng iba't ibang bansa at mga organisasyong panrehiyo't pandaigdig, para magkakasamang harapin ang mga problemang nakakaapekto sa higit sa isang bansa o rehiyon.

 

Kasunod ng tunguhin ng globalisasyon, nabuo noong 1990s ang sistema ng pandaigdigang pamamahala. Pagkaraan ng mga pagbabago sa daigdig nitong mga 30 taong nakalipas, kinakaharap din ng sistemang ito ang mga bagong kalagayan.

 

Sa ilang okasyon sa taong 2020, inilabas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga pahayag tungkol sa isyu ng pandaigdigang pamamahala. Narito ang ilang sa kanyang mga pahayag.

 

Mga bagong hamon sa pandaigdigang pamamahala

 

Nagaganap sa ating mundo ang napakalaking pagbabago na hindi nakita sa loob ng isang siglo. Lumalalim ang multi-polarisasyon, globlisasyon, impormasyonalisasyon, at dibersidad na pangkultura. Walang katulad na mahigpit ngayon ang pag-uugnayan ng tadhana ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.

 

Samantala, dumaragdag sa mga hamon ng daigdig ang mga elemento ng kawalang katiyakan at katatagan. Bumulusok ang kabuhayang pandaigdig; lumalala ang unilateralismo at proteksyonismo; tuluy-tuloy na kumakalat ang mga di-tradisyonal na banta sa seguridad na gaya ng cyber security, mga nakakahawang sakit, pagbabago ng klima, at mga iba pa; at hinahamon ang kaayusang pandaigdig at pandaigdigang pamamahala.

 

Talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-17 China-ASEAN Expo at China-ASEAN Business and Investment Summit, Nobyembre 27, 2020.

 

Bagong kahilingan sa pandaigdigang pamamahala

 

Nagiging lubos na kailangang-kailangan ang reporma sa pandaigdigang pamamahala ng kabuhayan, at lumalakas ang tinig ng komunidad ng daigdig para rito.

 

Ang pandaigdigang pamamahala ay dapat maging angkop sa mga bagong kahilingan ng kayariang pangkabuhayan ng daigdig, saka lamang magbibigay ito ng malakas na garantiya sa kabuhayang pandaigdig.

 

Artikulong may pamagat na "Magkakasamang Isabalikat ang mga Responsibilidad na Epokal, Magkakasamang Itaguyod ang Pag-unlad ng Buong Daigdig," Disyembre 16, 2020.

 

Aktibong paglahok sa reporma sa pandaigdigang pamamahala

 

Ang Tsina ay patuloy na magiging tunay na tagasunod ng multilateralismo. Pananatilihin nito ang aktibong paglahok sa pagrereporma at pagpapaunlad ng pandaigdigang pamamahala.

 

Buong tatag ding itataguyod ng Tsina ang sistemang pandaigdig na ang United Nations ay nukleo, ang kaayusang pandaigdig na ang mga pandaigdigang batas ay pundasyon, at ang pangunahing papel ng United Nations sa mga suliraning pandaigdig.

 

Talumpati sa Summit bilang Paggunita sa Ika-75 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng United Nations, Setyembre 21, 2020.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method