Bilang tugon sa pahayag ng mga dayuhang personahe tungkol sa pagka-antala ng pagdating ng grupo ng mga eksperto ng World Health Organization (WHO) sa Tsina, ipinahayag nitong Huwebes, Enero 7, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang imbitasyon ng panig Tsino sa WHO experts group na pumunta sa Tsina ay naglalayong isagawa ng mga siyentista ng dalawang panig ang siyentipikong kooperasyon sa paghahanap ng pinagmulan ng corona virus at pigilan at mas mabuting harapin ang katulad na pampublikong krisis na posibleng mangyari muli sa hinaharap.
Ani Hua, sa mula’t mula pa’y positibo ang atityud ng panig Tsino tungkol dito.
Pagsisiwalat din ni Hua, ayon sa departamentong pangkalusugan ng panig Tsino, kasalukuyang nagsasanggunian ang panig Tsino at naturang grupo ng WHO hinggil sa kongkretong pagsasaayos ng pagpunta ng huli sa Tsina.
Salin: Lito
Pulido: Mac