CMG Komentaryo: Mga pulitikong Amerikano, paanong haharapin ang pagbabago ng “beautiful sight to behold” sa karahasan?

2021-01-08 16:07:41  CMG
Share with:

Nitong Miyerkuels, Enero 6, 2021, idinaos ang magkasanib na sesyon ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Amerika, upang kumpirmahin ang resulta ng halalang pampanguluhan. Pero sinugod ng mga tagasuporta ng lider ng Amerika ang gusali ng Capitol—simbolo ng kataas-taasang kapangyarihan ng lehislasyon ng Amerika, at tinangkang pigilan ang pagdeklara ng resulta ng halalan.
 

Hanggang sa kasalukuyan, 4 ang nasawi at maraming iba ang nasugatan sa karahasan.
 

Pagkaraang sumiklab ang kaguluhang dulot ng pagsusog sa mga ordinansa ng Hong Kong, Tsina noong Hunyo ng 2019, sinugod at buong tikis na sinira ng ilang ekstrimista ang gusali ng Legislative Council ng Hong Kong. Magkahawig ang situwasyon noon kumpara sa naganap sa Capitol. Pero noong panahong iyan, tinawag ng pulitikong Amerikano ang pangyayaring ito bilang “beautiful sight to behold.”
 

Nitong nakalipas na ilang taon, sa ngalan ng demokrasya, inudyukan ng Amerika ang mga sumusuporta sa “color revolution” sa rehiyon ng Asya at Europa. Kung mangangalaga ang panig pulisya ng ibang bansa sa kaayusang lipunan, sila ay minarkahan ng Amerika bilang “nagbabanta sa demokrasya.” Pero kung lilitaw sa Amerika ang ganitong “beautiful sight to behold,” pinaalis ng panig pulisya ang mga demonstrator, sa pamamagitan ng pepper spray at water spray, at higit sa lahat, inaresto nila ang di-kukulangin sa 13 demonstrator.
 

Sa kanyang social media account, nagkomento si Mohamad Safa, isang netizen ng Lebanon: “If the United States saw what the United States is doing in the United States, the United States would invade the United States to liberate the United States from the tyranny of the United States.”
 

Sa katunayan, ang karahasang naganap sa Capitol ay hindi lamang sumaksi sa pagsira ng “demokrasyang may estilong Amerikano,” kundi nangibabaw rin ang kakulangan ng sistema ng Amerika na ipinagtatanggol lamang ang sariling paksyon, at tinututulan ang mga paksyong oposisyon.
 

Dapat pangasiwaan ng mga pulitikong Amerikano ang sariling suliranin, bago palaganapin ang “demokrasyang may estilong Amerikano” sa iba’t ibang sulok ng mundo.
 

Salin: Vera

Please select the login method