UN report: Pagpapabuti ng mga pundamental na serbisyo, pangunahing hangarin ng mga mamamayan ng daigdig

2021-01-09 14:45:10  CMG
Share with:

Ayon sa  pinakahuling ulat na inilabas sa Geneva nitong Biyernes, Enero 8, 2021 ni Fabrizio Hochschild, Asistanteng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), sa gitna ng patuloy na pananalasa ng pandemiya ng COVID-19, ang pangunahing hangarin ng mga mamamayan sa buong daigdig, sa loob ng maikling  panahon, ay mapabuti ang mga pundamental na serbisyong kinabibilangan ng medisina, edukasyon, tubig inumin, kondisyong pangkalusugan, at iba pa.
 

Ayon sa nasabing ulat, sa pangmalayuang pananaw, binibigyan ng pinakamalaking pansin ng mga mamamayan ang isyu ng klima at kapaligiran. 
 

Bukod dito, ipinalalagay ng 97% respondents na napakahalaga ng pandaigdigang kooperasyon para harapin ang mga hamong pandaigdig.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method