Sa artikulong inilabas kamakailan sa website ng pahayagang Financial Times ng Britanya, sinabi ni Propesor Mariana Mazzucato ng University College London, na ipinakikita ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang estruktural na depekto ng sistemang pangkabuhayan ng kapitalismo.
Sinabi ni Mazzucato, na mahina ang kakayahan ng mga pamahalaan ng mga bansang kapitalista sa pagharap sa mga pampublikong krisis na gaya ng pandemiya, pagkaraang ilipat nila ang sariling mga tungkulin sa pribadong sektor.
Ipinalalagay din ni Mazzucato, na sa panahon ng post-pandemic, dapat dagdagan ng mga pamahalaan ng mga bansang kapitalista ang laang-gugulin sa sistemang pangkalusugan at imprastruktura, igarantiya ang mga kapakanang pampubliko, at pahalagahan ang pantay, berde, at sustenableng pag-unlad.
Salin: Liu Kai