CMG Komentaryo: Pangulong Amerikano, pinabawalang magsalita sa social media; kalayaan sa pagpapahayag na may estilong Amerikano, talagang eye-opener

2021-01-12 15:19:18  CMG
Share with:

Pinagbawalang magsalita sa maraming social media ang lider ng Amerika, dahil sa “pag-uudyok ng karahasan.” Palagiang ipinangangalandakan ng Amerika ang kalayaan sa pagpapahayag, pero nawalan ng karapatan sa malayang pagsasalita sa social media ang pangulong Amerikano. Kabaliktaran ito para sa kalayaan sa pagsasalita na may estilong Amerikano.
 

Ayon sa ulat ng Washington Post, hanggang noong Mayo ng 2020, nag-post ang lider na Amerikano ng mahigit 18,000 “peke o nakakalinlang na pananalita” sa social media, sapul nang manungkulan siya bilang pangulo ng bansa. Sa harap ng demonstrasyon at kaguluhang dulot ng pagpaslang ng isang itim na tsuper dahil sa marahas na pagpapatupad ng batas ng 4 na puting pulis, o di-inaasahang resulta ng halalang pampanguluhan, inilabas ng lider na Amerikano ang mga pananalita ng pag-uudyok. Pero hindi isinagawa ng American social media ang anumang aksyon, bago maganap ang karahasan sa Capitol.

CMG Komentaryo: Pangulong Amerikano, pinabawalang magsalita sa social media; kalayaan sa pagpapahayag na may estilong Amerikano, talagang eye-opener_fororder_20210112Trumpban

Ang pag-ban sa mga social media account ng lider na Amerikano ay makatwiran at lehitimong aksyon ng social media para sa pagpigil sa pagpapalaganap ng karahasan, pero sa katunayan, may personal na pagsasaalang-alang na pulitikal ang ganitong aksyon.
 

Di-kukulangin sa 10 araw ang natitira bago matapos ang termino ng kasalukuyang lider ng Amerika, at sinimulan na ang political liquidation na nakatuon sa kanya at mga tagasuporta niya. Sa ganitong atmosperang pulitikal, ang ban ng iba’t ibang American social media sa kanya ay upang magpakita ng tumpak na paninindigang pulitikal, at makatakas sa pananagutan sa karahasan sa Capitol.
 

Sa katunayan, ang umano’y kalayaan sa pagsasalita na may estilong Amerikano ay kagamitang pulitikal para sa pagsugpo ng mga mananangan sa magkaibang paninindigan sa loob ng bansa, at pagbibigay-dagok sa mga kalaban sa labas ng bansa.
 

Salin: Vera

Please select the login method