Ang karahasan nitong Enero 6 sa Capitol, Amerika, ay nagpapakita ng kaguluhan ng demokrasiyang Amerikano.
Sinabi ng artikulo ng Russia Today, na nitong mga taong nakalipas, laging itinataguyod ng Amerika sa ibang bansa ang karahasan, sa pangangatwiran ng pagpapasulong ng demokrasiya. Sa kasalukuyan, naganap sa Amerika ang ganitong "demokrasiya."
Dagdag ng artikulo, ang hidwaan ng Republican Party at Democratic Party ay hindi na dapat maging sanhi ng pangyayari sa Capitol, at sa katotohanan, ito ay palatandaan ng pagkukunwari ng pulitika ng Amerika.
Itinuturing naman ng Eurasia Group, kilalang political risk consultancy ng daigdig, ang pagwawatak-watak ng Amerika bilang pinakamalaking panganib sa daigdig sa taong 2021. Ito ay magdudulot ng kaguluhan sa lahat, dagdag ng naturang institusyon.
Laging binabatikos ng Amerika ang ibang bansa na kulang sa demokrasiya, at ginagamit ito bilang pangangatwiran para ipataw ang sangsyon, ibagsak ang kapangyarihan, o isagawa ang aksyong militar sa ibang bansa.
Sa kasalukuyan, dapat buong taimtim na suriin ng Amerika ang sariling kalagayan, at itigil ang paglikha ng kaguluhan sa daigdig.
Salin: Liu Kai