Mensaheng pambati sa Ika-71 Anibersaryo ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Biyetnam, ipinadala ni Li Keqiang kay Nguyen Xuan Phuc

2021-01-18 14:25:14  CMG
Share with:

Kaugnay ng Ika-71 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Biyetnam, ipinadala ngayong araw, Lunes, Enero 18, 2021 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensaheng pambati kay Nguyen Xuan Phuc, Punong Ministro ng Biyetnam.

 

Sa mensahe, sinabi ni Premyer Li na nitong ilang taong nakalipas, nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames.

 

Kasabay ng pagpasok ng bagong taon, nakahanda ani Li ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Biyetnames para mapatibay ang pagtitiwalaang pulitikal, mapalalim ang pragmatikong kooperasyon, at walang humpay na mapayaman ang nilalaman ng komprehensibo’t estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Ito aniya ay para makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method